Bagong kagamitan ibinigay sa mga Barangay Birthing Centers

 BAGONG KAGAMITAN PARA SA MGA BARANGAY BIRTHING CENTERS ANG IBINIGAY NG DOH 12 AT CITY LGU NGAYONG ARAW.

 Layun ng pamimigay na tulongang manganak ng ligtas ang mga ina sa mga birthing centers.

 Ibinigay ni City Mayor Joseph Evangelista at mga opisyal ng Department of Health 12 ang naturang mga kagamitan sa pagtatapos ng Convocation Program ng City Hall ngayong umaga.

 Nanggaling sa DOH ang nabanggit na maternity medical equipments bilang dagdag na tulong sa mga rural maternity centers bahagi ng inaasam na ‘zero’ mortality rates sa panganganak ng mga ina.

 Tumanggap nito ang mga barangay chair ng Manongol; SIngao; Linangkob; Sudapin; Kalaisan; Amazion mula sa DOH at kay Mayor Evangelista.

 Agad ding gagamitin ang mga nabanggit sa kani-kanilang mga birthing centers para iwas peligro ang mga inang buntis.

 Dahil de kuryente ang ilan sa mga kagamitang ibinigay ng DOH, may kalakip na rin na generator sets upang magamit kahit sa panahon ng power interruptions.

 Una ng naglaan ng tig-isa punto lima hanggang dalawang milyong piso ang City LGU para maitayo ang birthing center sa bawat nabanggit na mga barangay noong nakaraang taon.