Most outstanding cooperatives pararangalan ng City Gov’t

 BIBIGYANG PARANGAL NG CITY GOVERNMENT ANG MAPILIPING 2017 MOST OUTSTANDING COOPERATIVES NG LUNGSOD.

 Personal na i-aabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang parangal sa mga mapipiling kooperatiba sa October 20 na mismong petsa ng Culmination Day ng Cooperative Month.

 Dalawang kooperatiba ang nakatakdang tatanggap ng gawad, ayon pa sa pamunuan ng City Cooperative Development Office o CCDO.

 Ito ay ang Best Micro Coop sa maliliit na kooperatiba na may total assets na P3M pababa samantalang Best Coop Branch naman sa malalaking kooperatiba na higit pa sa tatlong milyong piso ang halaga ng ari-arian.  

 Basehan ng pagkakapili sa mga gagawaran ay ang kanilang matatag na Organizational Structure at Financial Capacity, dagdag pa ng CCDO.

 Patuloy naman na inaalalayan ng City Government ang apatnapu’t anim na mga aktibong kooperatiba sa lungsod.

 Pinadaan ng Lokal na Pamahalaan ang karamihan sa livelihood assistance program nito sa pamamagitan ng mga kooperatiba.

 Nakatulong ang mga livelihood assistance na mai-angat ang antas ng kabuhayan ng mga miyembro ng mga kooperatiba, paliwanag pa ng CCDO.