Good Efficiency rating nakuha ng City LGU mula sa CSC

 NAKAKUHA NG 80.84 NA EFFICIENCY RATING SA ANTI RED TAPE CAMPAIGN O ARTA ANG CITY LGU MULA SA CIVIL SERVICE COMMISSION.

 Resulta ng isinagawang survey at interviews ng CSC sa mga kliyente ng City Hall noong July 2016 ang pinagmulan ng rating na ipinalabas nito bago lang.

 Ibig sabihin nito na nakakuha ng ‘GOOD EFFICIENCY RATING’ ang City LGU ayon pa sa CSC mula sa isinagawang ARTA Report Card Survey.

 Welcome development ang nabanggit, ayon pa kay City Mayor Joseph Evangelista dahil patunay lamang ito na naibibigay ng City Government ang karampatang serbisyo publiko sa mamamayan.

 Ilan lamang sa pinuri ng CSC ay ang paglalagay ng Citizen’s Charter ng City LGU sa bawat tanggapan nito.

 Naglalaman ng mga proseso sa bawat transaksyon ang Citizen’s Charter kung saan ito ay nagbibigay gabay sa publiko kung papaanong makatatanggap ng nararapat na serbisyo , kung sino ang responsableng kawani ang dapat magbigay nito at ang kung gaano katagal dapat ibigay ang serbisyo.

 Pinuri din ng CSC ang paglalagay ng Physical Lay-out ng City LGU na siyang nagbibigay kaalaman sa publiko kung saan matatagpuan ang mga tanggapan nito.

 Kasali din na nakakuha ng ‘good rating’ ang pagkakaroon ng mga pasilidad para sa mga Persons with Disabilities at ang pagbabawal sa paninigarilyo sa lugar.

 Bagamat mataas ang marka, susubukang mahigitan pa ng City Government ang pagbibigay serbisyo at pagpapatupad ng ARTA.

 Kaugnay nito ay muling susuriin ng CSC ang ARTA Compliance ng City Government ano mang petsa mula ngayon hanggang December 15, 2017.

 Hindi lamang compliance kungdi mahalaga din ang panibagong pagsusuri ng CSC lalo pa at magiging basehan ito ng pagbibigay ng Performance Based Bonuses para sa mga kawani ng City Government sa huling bahagi ng taong kasalukyan.