2017 Ph Most Outstanding Pharmacist binigyang parangal ng City Government

 PERSONAL NA INIABOT KAPWA NINA CITY MAYOR JOSEPH EVANGELISTA AT CITY VICE MAYOR BERNARDO PINOL JR. ANG PLAQUE OF RECOGNITION KAY GINANG HELEN MAITA ESPEJO-REYES SA CONVOCATION PROGRAM NG CITY HALL.

 Si Reyes ay kinilala ng Professional Regulations Commission o PRC bilang 2017 Most Outstanding Pharmacist ay kasalukuyang Director III ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

 Una ng ginawaran ng parangal ng PRC si Reyes.

 Kinilala ng PRC at ng City Government ang galing ni Reyes bilang direktor ng Drugs Compliance Service ng PDEA.

 Tubong Kidapawan City si Reyes na naging aktibong ka-partner noon ni Mayor Evangelista sa kampanya kontra illegal na droga.

 Sa kanyang mensahe, sinabi ng PDEA Official na kinakailangan ang aktibong pakikipagtulungan ng pamilya at komunidad sa paglaban at tuluyang pagsawata sa illegal na droga.

 Bagamat may kakulangan sa mga tao, sinisikap ng PDEA na magampanan ang mandatong ibinigay dito ng Pangulong Rodrigo Duterte, dagdag pa ni Reyes.

 Siya ang panauhing pandangal sa Convocation Program ng City LGU na ginanap sa City Gymnasium Nobyembre 13, 2017. 

 

Photo Caption - 2017 Most Outstanding Pharmacist binigyang parangal: Kapwa iniabot nina City Mayor Joseph Evangelista(gitna) at City Vice Mayor Jun Pinol(kaliwa) ang parangal kay PDEA Director III Helen Maita E.Reyes ang Plaque of Recognition mula sa Kidapawan City Government.Si Reyes ay kinilala sa kanyang galing bilang pinuno ng Drugs Compliance Services ng PDEA.(CIO Photo)