Maagang Pamasko ibibigay sa mga indigent senior citizens

 MAAGANG PAMASKO MULA SA  CITY GOVERNMENT AT DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT ANG TATANGAPIN NG MAHIGIT SA WALONG LIBONG INDIGENT SENIOR CITIZENS SIMULA NOVEMBER 18, 2017.

 Ibibigay na ang kanilang last quarter social pension para sa taong ito pagsapit ng nabanggit na petsa.

 Kabuo-ang P1,500 o P500 mula Oktubre hanggang Disyembre ang matatanggap ng abot sa 7,700 na senior citizens mula sa pamahalaan.

 Ang social pension ay ayuda ng pamahalaan para sa mga nakakatanda na walang tinatanggap na regular pension.

 Samantala mas ‘Merry’ ang Christmas ng may limang daang bagong indigent senior citizens na bagong na-validate ng DSWD.

 P6,000 na kabuo-ang social pension mula Enero hanggang Disyembre 2017 ang kanilang mai-uuwi sabay ng schedule ng release ng social pension.

 Sila yaong mga ‘bagong’ indigent na senior citizens na kinilala ng DSWD na karapat-dapat tumanggap ng social pension.

 Naka schedule ang release ng indigent social pension sa November 18-21 na gaganapin sa City Gymnasium.

 Kaugnay nito ay hinihikayat ng ni City mayor Joseph Evangelista ang iba pang indigent senior citizens na hindi pa nakatatanggap ng nabanggit na social pension na magpatala at magpa-validate sa DSWD ng sa gayun ay maayudahan din ng pamahalaan.