May-ari at tsuper ng tricyle sasailalim sa mandatory seminar

 MANDATORY PARA SA LAHAT NG NAGMAMAY-ARI AT TSUPER NG TRICYCLE NA SUMAILALIM SA SEMINAR BAGO MAKAPAGPARENEW NG PRANGKISA AT PERMIT TO OPERATE SA SUSUNOD NA TAON.

 Gagawin ang serye ng seminar simula bukas December 5 sa City Gymnasium kung saan mauunang magse seminar yaong mga may rutang KD 1 and 2.

 Ayon pa sa pamunuan ng Traffic Management Unit o TMU, ang seminar ang siyang pinaka una sa mga itinakdang rekisitos bago makapag renew ng permit to operate ang tricycle.

 Mahalaga ang seminar , anila lalo pa at pag-uusapan dito ang mga alituntunin na dapat sundin ng operator at tsuper ng tricycle.

 Nakatuon sa batas trapiko at tamang pakikitungo sa pasahero ang nilalalaman ng seminar.

 Pagkatapos nito ay dadaan naman sa masusing inspection ang bawat tricyle upang malaman kung ligtas ba itong bumibyahe.

 Susuriin ng TMU at ng City Tricycle Franchising Regulatory Board kung gumagana ang break lights, passenger lights, signal lights ang bawat tricycle at kung maayos ang upuan nito pati na rin kung may basurahan sa loob.

 Muli namang nagpaalala ang TMU at CTRFB sa mnga may ari ng tricyle na simulan na nilang papinturahan ng ‘off white’ ang kanilang unit alinsunod na rin sa color coding scheme na ipatutupad na sa taong 2020.