IP women prayoridad na mabigyan ng livelihood assistance

 MAGIGING PRAYORIDAD PARA MABIGYAN NG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA CITY GOVERNMENT ANG MGA KABABAIHAN MULA SA INDIGENOUS PEOPLE SECTOR, SA 40 BARANGAY NG LUNGSOD.

 Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang nagsabi nito sa Oath Taking Ceremony ng mga IP women ngayong December 5, 2017.

 Pinangunahan ng alkalde ang panunumpa ng lahat ng IP women leaders mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod sa City Gymnasium.

 Nais ni Mayor Evangelista na magkaroon ng hanapbuhay, maging produktibo at mai-angat ang kabuhayan ng mga IP women dahilan kung kaya uunahin ng City Government na makinabang sila sa ibibigay na livelihood assistance.

 Isa ang paghahabi at paggawa ng katutubong kasuotan sa mga livelihood assistance ang ibibigay na tulong panghanapbuhay sa mga IP women.

 Maliban dito ay hinikayat din ang mga kababaihang katutubo na aktibong makibahagi sa mga programang pangkaunlaran ng City Government.

 Sa panahon kung saan mabilis at moderno na ang takbo ng pamumuhay tulad na lamang ng internet, binigyang diin ni Evangelista sa mga inang IP’s na gabayan ang kanilang mga anak na pahalagahan ang mga kaugalian, kultura, tradisyon, at wikang katutubo.

 Bilang pasasalamat ng mga indigenous people, binigyan nila ng honorary title na ‘Datu Apotanan’ si Mayor Evangelista na ang ibig sabihin ay ‘mapagbigay’.