Mga negosyante dapat ng mag-renew ng permits – City Gov’t

 MULING NANANAWAGAN ANG CITY GOVERNMENT SA LAHAT NG MGA NEGOSYANTE NA SAMANTALAHIN ANG BUSINESS ONE STOP SHOP –BOSS O RENEWALS NG LAHAT NG PERMITS AT LICENSES NGAYONG 2018.

 Sinimulan nitong Miyerkules ng City Government na i-renew ang mga lisensya ng mga business operators sa lungsod kung saan ay nagpapatuloy na ginagawa sa loob ng City Gymnasium.

 “ Dapat samantalahin na ng mga business operators ang ating BOSS sa City Gymnasium na hanggang sa January 20 lamang”, panawagan pa ni City Mayor Joseph Evangelista.

 Upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga magre-renew o mag-aaply pa lamang ng lisensya ay bukas ang BOSS mula 8am-5pm Lunes hanggang Biyernes pati na sa araw ng Sabado, Linggo at maging Holidays.

 Nasa BOSS na ang pagpo-proseso ng business permits mula pag-aaply ng cedula hanggang sa pagbabayad ng mga sanitary permits; Fire Safety Certificates; Health permits; at iba pa.

 Ipinapa-alam din sa mga dati ng negosyante na kinakailangang dalhin at ipakita ang mga sumusunod bago i-proseso ang renewal ng business permit: Cedula; Barangay Clearance; DTI o SEC Articles of Incorporation; Occupancy Permit(kung bagong tayo ang gusali); Contract of Lease(kung nirerentahan ang pwesto).

 Sa mga bago o ngayon pa lang magnenegosyo ay kailangan ang mga sumusunod: Cedula, Barangay Clearance at Income Tax Return o Financial Statement para sa computation ng buwis na babayaran.

 Maaring makuha ang bagong business permit sa loob ng isa hanggang dalawang araw depende na rin kung kumpleto ang lahat ng kaukulang dokumento.

 Hanggang January 20 na lamang ang BOSS sa City Gymnasium.