Isang mall sa lungsod nagpasaklolo sa City Gov’t hinggil sa problema ng basura

 NAGPASAKLOLO ANG ISANG MALAKING MALL SA LUNGSOD SA CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE O CENRO HINGGIL SA PROBLEMA NG NAKOKOLEKTANG BASURA.

      Kamakailan lang ay lumiham ang management ng Gaisano Grand Mall sa CENRO na ipatutupad na nito ang ‘MOB DAY o My Own Bag Day’ na nag-uutos sa mga customers na magdala na ng kanilang sariling bag o supot kung bibili sa lugar.

 Ito ay sa layuning maibsan ang paggamit ng plastic at mabawasan ang nakokolektang basura bilang hakbang na ma-protektahan ang kapaligiran.

 Ipatutupad nito ang MOB DAY o My Own Bag Day kada araw ng Miyerkules, ayon pa sa sulat nito sa CENRO.

 Dapat magdala ng kanilang sariling bag, supot o ano mang uri ng sisidlan ang customers kapag bibili sa mall.

 Pwede pa rin namang bumili ang customer ng walang dalang bag sa araw ng Miyerkules, ngunit dagdag niyang babayaran ito bilang sisidlan o pambalot sa kanyang pinamili.

 Ang mga kaukulang charge sa mismong plastic bag mula sa Gaisano Grand Mall ay: Jumbo P25.00; Large P 20.00; Medium P15.00; Small P10.00 at Extra Small P5.00.

 Suportado naman ng CENRO ang hakbang na nabanggit ng Gaisano Grand Mall lalo pa at makakatulong ito na mabawasan ang basurang nakokolekta sa lungsod.