Oplan Paalala mas pina igting kontra terorismo

Author Name: Lloyd Kenzo L. Oasay

 MULING ISINAGAWA NG CITY LGU ANG OPLAN PAALALA KONTRA SA BANTA NG TERORISMO.

 Ipinag utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa Public Safety Office at sa City PNP na muling maglibot sa iba’t-ibang lugar sa lungsod upang ipanawagan sa mamamayan ang ibayong pag-iingat upang hindi mabiktima ng mga gawaing terorismo.  

 Walang puknat na isinagawa ang pina igting na kampanya sa Bomb Awareness simula pa noong paggunita ng Semana Santa.

 Patuloy na nag-iikot ang sasakyan ng otoridad na may dalang public address system o recorieda para isagawa ang nabanggit.

 Payo ng alkalde na seryosoyin ng lahat ang mga panawagan lalo pa at lumalabas sa mga intelligence reports na nagpapatuloy ang banta ng mga pagpapasabog ng IED sa ilang mga lugar sa Mindanao.

 Mas mainam din na agad tumawag at ipaalam sa mga otoridad kung sakali mang may kahinahinalang indibidwal sa mga komunidad at matataaong lugar.

 Huwag din lumapit sa mga suspetsadong bagay o sisidlan na maaring maglaman ng Improvised Explosive Devices na naiwan sa mga piling lugar.

 

 BOMB AWARENESS NAGPAPATULOY – Nananawagan si PO3 Eric John Yamuta ng PNP Kidapawan City SWAT team sa mamamayan na mag-ingat kontra terorismo sa Mega Market ng Lungsod. Ito ay kabahagi ng mas pina igting na Oplan Paalala upang maka iwas na mabiktima ng mga pagpapasog ng Improvised Explosive Devices na malimit gamitin ng mga terorista sa kanilang masamang gawain.(photo is from PNP Regional Office 12)