P200k cash award matatanggap ng Most Outstanding Barangay

 Tatanggap ng P200,000 cash award ang mapipiling Most Outstanding Barangay ng lungsod sa gaganaping Barangay Night sa February 8 o ang pagbubukas ng ika 19th Foundation Anniversary ng Kidapawan City.

 Ang cash award ay alinsunod sa LGU Award and Incentive Program na kumikilala sa kakayahan ng barangay na mamuno, tama ang pamamahala sa pondo at mahusay na pagbibigay serbisyo publiko alinsunod  sa mga pangunahing agenda ng City Government.

 Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang magbibigay ng cash award kung saan ay i-aanunsyo niya sa petsang nabanggit ang mapipili mula sa apat napung barangay ng lungsod.

 Dumaan sa masusing on site evaluation and assessment ang lahat ng barangay simula noong nakaraang taon na nagtapos noong nakalipas na linggo.

 ang kakayahan ng barangay sa mga sumusunod na service areas: Functional Barangay Council for the Protection of Children o BCPC; Health; Transparency; Revenue Generation; Fiscal Accountability; Local Legislation; Education; Citizen’s Participation; Public Safety; Disaster Risk Reduction and Management; Development Planning and Resource Allocation; at Solid Waste Management.

 Maliban sa P200,000 na cash award para sa mananalong Most Outstanding Barangay, tatanggap din ng cash awards ang 1st hanggang 4th runner up ng patimpalak.

 May cash award ding matatanggap ang mga mapipili sa Most Functional BCPC; Health Achiever Award; Public Safety and Disaster Risk Prepared barangay; Education Champion Barangay at Top Local Revenue Performing Barangay.

 Gagamitin naman ng mapipiling barangay ang kanyang matatanggap na cash award para sa pagtataguyod ng mga programang may kaugnayan sa mga nabanggit ng service areas.

 Napiling Most Outstanding Barangay noong nakalipas na taon ang Barangay Linangkob.