Halos dalawang libong tindahan nabigyan na ng business permits ng City LGU

 1,852 na mga tindahan ang nabigyan ng bagong business permits ng City LGU simula 2017.

 Nanggaling ang bilang sa ulat na ipinalabas ng Business Processing and Licensing Office kamakalawa.

 Nagmula na rin ang bilang mula sa 3,164 na nag-apply at nagproseso ng kanilang business permits mula Enero 3 hanggang Enero 30.

 Sa mahigit tatlong libong business establishments na nabanggit, dalawang daan at sampu sa mga ito ay pawang ‘new applicants’ na ngayong taon pa lamang magsisimulang magnegosyo sa Kidapawan City.

 Kasalukuyan pang pino-proseso ng mga hindi pa nabigyan ng permits ang kanilang mga dokumento.

 Dumaan muna sa ‘assessment’ ang mga nagpo-proseso bago pa man ang itinakdang deadline noong Enero 20.

 Hindi na magbabayad ng penalties ang marami sa kanila dahil nauna na silang nagbayad ng mga bayarin sa City LGU bago o sa mismong araw ng deadline.

 Aabot lamang sa dalawa hanggang tatlong araw ang pagkuha ng bagong business permit, ayon na rin sa BPLO.

 Kaugnay nito ay pinananawagan naman ng City LGU na hanggang Abril 14 na lamang ang palugit sa pagbabayad ng Business Taxes para sa first quarter ng taong ito.